

Minsan lang makakapanood ng kakaibang kwento.
Minsan lang mapagsasabay ang tawa at sindak.
Minsan lang makakakita ng kakaibang pangugngumpisal.
Kung ikaw ang nasa lugar ng isang taong ang habol lang naman ay mapagbigyan ang girlfriend.
Pampaalis ng pagkabato, gumala sa Cebu.
Ang babae nagtampo. Ang lalaki nagdokumentaryo.
Akalain mo bang imbes na Sinulog lang ang makukunan,
Me iba pa palang kaganapan na maiiba ang ikot ng mundo ng magkasintahan.
Malalaman mo kung imbes na nakaupo ka lang diyan sa opisina mo.
Ano ba naman yung paminsan-minsan, magawi ka sa Robinson's Galleria?
Simula ngayon, mula August 13 hanggang 19.
Pagkakataon mo nang mapanood ang mailap na digifilm na ito.
Best Picture sa Star Awards.
Panalo rin sa India.
Pito-pito ang nominasyon sa Urian.
Hindi pa ba sapat na katibayan ang mga ito?
Kung di mo ikatuwa, handa akong isoli ang bayad mo.
Walang dayaan, dahil pihado namang ito'y iyong magugustuhan.
Hindi po ako bayad sa pagsulat nito.
Ganito lang ako lagi pag ako'y me nagustuhan na pelikula.
Bitin kasi kung ako lang ang makakita.
Robinson's Galleria Cinema 8, PG-13, 1 hour 30 mins.,
1:10pm / 3:15pm / 5:20pm / 7:40pm / 10:00pm









1 comments:
dapat makuha mo na ang free urian tickets. haha
Post a Comment